SPECIAL CHAPTER: TWIN'S OATH

1215 Words

AMIRA "Pakiayos na lang nitong lahat tapos pwede na kayong magsiuwi. Maauna na ako sa inyo dahil nasa baba na 'yong sundo ko," paalam ko sa mga aking team mates. Dali-dali akong lumabas, halos tumakbo na ako, kung hindi lang ako naka-skirt, malamang nakipag-unahan na ako. Kanina pa naghihintay si Phobos at naiintindihan ko kung bakit niya ako pinapamadali dahil mag-uuwian na ang mga bata. Kailangan na namin silang sunduin. "I'm sorry, masyadong maraming ibinabang gawain sa amin ngayon," depensa ko noong makapasok na ako. Isinuot ko na ang seat belt at kaagad ding pinaandar ni Phobos ang sasakyan. "That's okay. Nga pala, nakiusap sa akin si Deimos na sunduin na rin natin si Marion at ihatid sa kanila. Busy ito sa Black Mamba, si Rose naman nasa Baguio, may trip ata sila ng mga kasamahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD