ROSE My head was occupied the whole class. Hindi ako makapag-focus sa kakaisip tungkol kay Amira at Xymond. Hindi matigil ang mata ko sa pagsulyap sa kanya habang determinado itong makinig sa lesson ng Teacher namin sa unahan kanina. Natatakot ako, napupuno ng pangamba ang puso ko kahit hindi naman dapat dahil wala akong karapatan. Pero mahal ko si Xymond, I loved him before niya pa man makilala si Amira. Though, inamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko noong tinanong niya ako sa SAA, up until now wala pa rin akong response na nakukuha sa kanya, kung mutual ba ang nararamdaman namin. Ayaw kong mag-assume kahit na lagi akong ina-assure ni Hayashi na may feelings na rin si Xymond sa akin, na naka-moved on na siya kay Amira. Matatahimik lang ako't maniniwala kapag narinig ko na mismo sa

