Sabado na naman, isa-isang nagsilabasan ang mga ibong nakakulong sa malaking hawla na kung tawagin ay Saint Augustus Academy. Ang iba ay nagbabalak na umuwi sa kani-kanilang tahanan, magliwaliw sa labas, ang iba naman ay mas nais na manatili sa loob dahil may masama silang binabalak. "Joker, sure na ba talaga? Ang weird naman ng plano mo! Besides, wala pa si Queen Aizarina, hindi na ba natin ipapaalam sa kanya ang tungkol dito? Baka mamaya pag pumalpak, eh, siya na naman ang maiiipit, ayaw ko no'n! Lagi na nga lang siya ang sumasalo sa--" "Oh ayan, talong! Isaksak mo sa bibig mo! Napakadaldal, eh! Magtiwala ka na lang, pwede? Isa pa, wala tayong dapat na ikatakot dahil wala ngayon 'yong mga pumoprotekta kay Amira. Balita ko, aalis daw 'yong tatlo kaya ito na ang magandang opportunity par