Point of view - Emma Addison - Isang bagong umaga, wala sa sariling naglakbay ang aking kamay sa aking tabi, ngunit napagtanto ko na wala na akong kalapit rito sa kama na aking hinihigaan. Sa pagmulat ng aking mata, wala na si Joseph sa aking tabi. Kumunot ang aking noo dahil alam kong wala siyang pasok ngayon, dahil araw ng sabado. Kadalasan, sa ganitong araw kami umaalis at nag-bo-bonding kasama ang aming anak. Bahagya akong umupo at sinandal ang aking likod sa head board ng kama. Nilibot ko ang aking paningin sa aking paligid, hanggang sa tumama ang aking tingin sa kwintas na binigay sa akin ni Joseph noong kami ay nag-aaral pa lang, ang kwintas na isang crescent moon habang may bituin na maliit sa loob nito. Marahan kong kinuha ang pendant na nakapatong sa kalapit na lamesa ng am