Hindi ko kayang tingnan lang si Kokoy na nakatulala sa kawalan. May kung ano sa dibdib ko na nasasaktan rin ako sa tuwing pinagmamasdan ko siyang malalim ang iniisip. Ilang beses ko ng sinubukan na tawagin siya pero wala siyang naririnig. Umahon ako sa tubig para maglakad patungo sa kaniya. At nang malapit na ako ay saka pa bumalik ang kaniyang diwa. Tinitigan niya ako… ang buong katawan ko na walang kahit na ano mang nakatabong saplot. Halos hindi na siya kumukurap nang tingin at para siyang nanunuod lang ng palabas sa isang sinehan. Hindi ko rin naman ikakahiya ang ganda ng aking katawan dahil malakas ang loob ko na mayroon akong perpektong hubog ng katawan. Kinaiinggitan ng halos lahat ng mga babae ang katawan ko at natitiyak kong ganoon din ang nararamdaman ng mga lalak