Pinagmasdan ko ang mag-ina ko sa masaya nilang paglalaro sa harden. Parang kailan lang nang makilala ko si Teria sa LiquidDoze Bar at ngayon nga ay asawa ko na siya. Ang bilis lang ng panahon at parang hindi ako nakapaniwala sa mga nangyayari. Parang ako ang bukod tanging pinagpala sa lahat ng tao sa mundo. Hindi ko alam kung bakit napakaswerte ko sa asawa ko? Siguro may nagawa akong kabutihan noong past life ko. Bukod sa napakabait na asawa at mapagmahal ay binigyan niya pa ako ng anak na napakalambing na kagaya niya. Nang malaman kong nabuntis ulit si Teria, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Apat na buwan pa lang ngayon ang tiyan ni Teria at kakagaling lang din namin sa check up. Ang mas nakakamangha pa ay magkakaroon na kami kaagad ng apat n