Matapos kong masaksihan ang ginawa ni Teria kaninang madaling araw ay hindi na mawala sa isip ko ang nasaksihan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti kahit na saan ako magtungo. Makita ko man siya o hindi ay laging bumabalik sa aking alaala. Kahit na para na akong baliw sa kakatawa ay hindi pa rin ako matigil. Noon pa man alam ko nang mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Unang tingin ko pa lang sa kaniya noon sa bar ay nabighani na ako sa angkin niyang ganda. Binalewala ko na lang dahil wala sa isip ko ang magmahal. Pero inaamin ko na hinahanap ko siya ng mga panahong hindi ko na siya nakikita. Namimis ko ang pangungulit niya at wala lang talaga akong confident noon dahil alam kong malayo ang agwat ng pamumuhay namin sa isa't isa. Pero napakaswerte ko dahil hindi lang si Teri