Nang tuluyan na kaming makapagpaalam ni Kokoy ay hinatid ako ni Cassy at Laureen kasama ang anak ko sa chopper. Biniro niya pa ako dahil tiyak masusundan na raw namin si Kobie ngayong taon. Natawa naman si Laureen sa narinig pero binalewala ko na lang. Pero sa isip ko ay lagi naman akong handang bigyan ng maraming lahi si Kokoy. Hanggat maganda pang lahi ang maiire ko ay tutuparin ko ang gusto ng aking asawa. Bastat ang akin lang ay may two years na gap para hindi ako malusyang sa ka kaanak. At kahit na umabot ng isang dosena ay ayos lang sa akin. At titigil lang ako kapag sa tingin ko ay hindi na kayang ipinta ang mukha ng magiging anak namin ni Kokoy. I think it's a sign na kailangan nang magpahinga at magretiro sa pagpapanganak kapag pangit na ang lahi. "Teria, are you o