Beauty Noong oras ding 'yon ay kaagad akong nagtungo sa presinto at hinarap si Mister Hudson Trinidad. Naabutan ko pa doon si Oliver. Nangingibabaw ang napakalakas na pagtawa ni Hudson sa buong kulungan matapos kong itanong sa kanya ang kinaroroonan ng mga anak niya. "Anong tingin mo sa akin? Gago? Gago ba ako para isuplong ang sarili kong mga anak?" aniya kasunod ang malutong niyang muling pagtawa. Nasa amin na ang atensiyon ng lahat ng mga kasama niyang tao sa loob ng selda. Lahat sila ay napapaliguan ng mga tattoo sa buo nilang katawan. Hindi rin nalalayo sa kanila si Hudson. Pinanatili ko ang pagiging mahinahon kahit si Oliver ay kanina pa nakakuyom ang mga kamao na kaunti na lang ay masasapak na niya ng tuluyan ang matandang lalaking ito. Mabuti na lang at may mga rehas na nama