Devin Ang sumunod na araw ay bigla na lamang kaming binulaga ng taong hindi ko inaasahang makakarating dito sa sarili naming pamamahay. Ang taong pinakasusuklaman namin ng husto ng kambal ko. Si David Delavega. Kumulo ng sobra ang dugo ko nang makita ko siya. The anger that suddenly rose in my chest was the kind that could kill a person at any moment. Bumalik ang lahat-lahat ng alaala sa aming magkapatid, kasama ang aming ina. Ang mga araw simula noong mga bata pa lang kami hanggang sa aming paglaki. 'Yong panahong nahihirapan kami. 'Yong panahong kailangan namin siya. 'Yong panahong naging successful kami. Nasaan siya? We had no other companion but only our mother—just the three of us. Kinaya namin na wala siya kaya bakit pa siya bumalik? Kung kailan maayos na kami. Kung kailan binu