Beauty Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim habang tinatanaw ang papalayong motorsiklo na kinalululanan ngayon nila Sean at Devin. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga mata niyang puno ng lungkot habang nagpapaalam sa akin kanina. Na para bang ayaw na niyang lisanin ang lugar na ito para sa akin. Pero hindi siya maaaring manatili dito. Hindi siya maaaring magtagal sa tabi ko. Dahil kapag napatunayan kong may kinalaman nga siya sa pagkamatay ng Papa ko, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na bawian rin siya ng buhay kapalit ng buhay na nawala sa akin. There is no forgiveness for what you did to my father. Buhay sa buhay ang magiging kapalit ng lahat ito! Sisiguraduhin kong magbabayad kayo! Kaagad kong pinalis ang mga luhang pumatak sa pisngi ko at kaagad na ring tumalikod.