Mhaan Hindi ko na napigilan pang yumakap sa batok niya at mapangiti sa sobrang kaligayahan nang mas lalo pang lumalim ang paghalik niya sa akin. Halos lumubog na ang katawan ko sa kama dahil sa bigat niya sa ibabaw ko, maging ang ulo ko sa unan ko ngunit mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit at walang alinlangang tinugon ang mga halik niya. Gustong-gusto ko siyang maramdaman sa katawan ko. Gustong-gusto kong ma-trap palagi ng ganito sa mga braso niya. 'Yong tipong kahit nahihirapan na akong huminga dahil sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin ay ayos lang. Ito pa rin ang lugar na nanaisin ko at pinakasisiyahan ko. My God! Ganito na nga yata ako ka-baliw sa kanya! Naibuka ko ang mga labi ko nang magtangkang pumasok sa loob ng bibig ko ang dila niya. Hinayaan ko siyang galugarin