ONE YEAR LATER Beauty "Ma'am, alin pa po dito ang mga dadalhin?" "Ipahila mo na lang kay kuya Rhay 'yang dalawang luggage. Isakay na kamo sa kotse," sagot ko naman sa kasambahay habang binibihisan ko ng stretchy jumpsuits si Jr dito sa ibabaw ng kama. "Sige po, ma'am. Ilalabas ko na lang po itong iba." "Sige, Emma. Thank you." Kaagad na rin naman niyang hinila ang isang luggage at binitbit ang isa pang bag namin palabas ng silid namin. Naiwan pa ang isa pang luggage sa tabi ng pinto. Magtutungo kami ngayong araw sa Delavega Island para doon i-celebrate ang mga birthday ng aming anak, pamangkin na anak ni Derrek at hipag kong bunso na kapatid naman nila Devin at Derrek. Sa pagkakaalam ko ay may kasabay pa silang magbi-birthday bukas sa mga pinsan nila. Si baby Noah na anak ng pi