Devin Napahinto siyang bigla mula sa paglapat ng bimpo sa ulo ko at mabilis na lumingon sa bahagi ng mga silid nila. Gano'n din naman kabilis na sumara ang pinto na iyon. "A-Ah... o-oo. 'Y-Yong isa pa naming kapatid. 'Yong... pinakabunso namin. Huwag mong pansinin 'yon. Iba kasi ang ugali niya kaysa sa amin. Kung minsan ay sinusumpong siya ng sakit niya at bigla na lamang siyang nananakit kaya ikinukulong namin siya sa kuwarto niya." "Anong sakit?" I looked up at her. "Eh... h-hindi pa namin alam, eh. Hindi pa namin siya napapa-check up dahil wala naman kaming pera. At saka, bata pa lang siya ay ganyan na siya. Kami na lang ang nag-a-adjust para sa kanya." Pansin ko ang pag-ilap muli ng mga mata niya at parang nawala na siya sa concentration sa paggagamot ng sugat ko sa ulo. I can alr