Beauty "Devin!" Kaagad kong tinakbo ang kinaroroonan niya nang marinig kong lumalagabog ang pader mula sa balcony. Natanaw ko siyang sinusuntok ang pader at paulit-ulit na iniuumpog doon ang ulo niya. "Umalala ka! Damn it! Don't be stupid!" "Tama na!" I immediately grabbed his arm and forcefully pushed him away from the wall. Kaagad din naman niya akong hinarap. "Tell me, hindi totoo ang lahat ng 'yon. He's not dead! It's not him! Hindi si tatay 'yon!" I kept shaking my head while staring at him. Nagbi-breakdown na siya ngayon. Pulang-pula na siya sa halo-halong emosyon at sumasabog na rin ang mga luha niya sa pisngi niya. "S-Sana nga. Sana nga hindi siya 'yon. Sana nga panaginip lang ang lahat ng 'yon at pag-uwi ko ng bahay ay may ama pang sasalubong sa akin. Pero wala na. 'Yon a