"Babe…" "Oh?" bahagya kong ungol sa pagtawag ni Blue sa akin. Nakabaon ang mukha ko sa unan habang siya ay panay ang pahid ng lotion mula sa aking likuran. Narito kami sa ilalim ng mga puno ng niyog at ine-enjoy ang view ng dagat. Last day na ng honeymoon namin at naisipan naman naming maligo sa beach ngayon at tumambay dito maghapon. Pagod na kaming bumiyahe at mag-island hopping kaya ginugol namin ang last day namin sa pagtambay dito sa resort. May choices naman kami, maligo sa pool or sa dagat. Sabi ni Blue maghapon kaming tatambay dito sa dagat tapos mamayang gabi, sa pool naman para konti ang tao. Request ko ito sa kanya though ayaw niya dahil ayaw niya na magsuot ako ng swimsuit. Sa huli ay napilit ko siya ng siya ang pumili ng susuotin ko. Though tinatawanan ko siya dahil sa kul

