Buhat ko si Alessandria habang paakyat kami sa suite namin. Nakayakap sa leeg ko ang mga braso niya habang tumatawa kami sa isang joke na sinabi ng emcee kanina. Iniwan na namin sa baba ng hotel ang mga guest namin na abala pa sa kanilang pagsasayaw at inuman. "Ayos lang ba na iniwan natin ang mga bisita sa baba, Blue?" tanong niya habang pareho kaming nakatingala sa numero ng elevator na mabagal na umuusad. "Yeah, babe. Wala naman na tayong gagawin doon dahil tapos na ang program. Bukas na tayo magbukas ng mga regalo. Hayaan na natin silang magpakasaya roon at magpakalunod sa alak," wika ko naman habang inip na nakatingin sa numero na ang bagal umusad. Ang tagal naman. I can't wait to be in our room. Kahapon pa ako sabik na sabik sa kanya at hindi na ako makapaghintay na matikman ang

