"M-Ma…wala pa po ba ang asawa ko?" nakangiwing tanong ko kay Mama habang sapo ko ang aking tiyan na panay na ang hilab. Hindi ko na nga alam kung paano ako uupo o kung tatayo ba ako dahil hindi ko na maintindihan ang sakit na aking nadarama ngayon. Ito iyong klase ng sakit na parang binabaluktot ang lahat ng buto mo sa katawan. Iyong hindi mo alam kung sino ang santong tatawagin mo dahil sa sobrang sakit. Paggising ko kanina ay bigla na lang humilab ang tiyan ko. Katanghalian pa naman ng tapat kung saan kasarapan ng tulog. Kaagad kong pinatawag ang Mama ko sa katulong nang makita kong may mga buo-buong dugo na ang lumalabas sa akin. Umihi kasi ako at napansin kong parang may lumabas sa aking pwerta na parang maliit na bilog. Pagtingin ko sa bowl, pulang-pulang ang tubig. May maliliit na

