Chapter 21 3rd Person's POV; "Anong nangyari sa shop ko? " tanong ni Worth matapos makita na inaayos ito. "Papa hindi dapat---. " "Wait hindi sa akin ang idea na ito at hindi ako ang nagpaayos," putol ni Mikael sa anak. Tinuro ni Narren si Sibal na kinakausap ang ilang nag aayos. "Huwag kang magalala pera niya 'yan. May sariling ipon si Sibal," ani ni Silas kay Worth. "Nakakahiya," bulong ni Worth. "Ihh bakit ka mahihiya? Magiging husband mo na si kuya," ani ni Sorenn na kinapula ni Worth. Lumambot ang expression ng binata matapos lumingon sa kanila si Sibal at ngumiti. "Worth tara tingnan natin ang loob. Hindi ko na sinabi sayo kasi alam ko kokontra ka." "Pumili ka ng design na gusto mo, " ani ni Sibal hihilahin niya si Worth nang hindi magpadala si Worth. "Galit ka ba? Sorry