Chapter 29 3rd Person's POV "Bakit mo hawak 'yan? Akala ko ba tinapon mo na 'yan?" Napatingin si Percimon matapos makita si Percival na gusot ang mukhang nakatingin sa kwintas na suot ni Percimon. Hawak nito ang kwintas na binigay sa kanya ng ama. Iyon 'yong kwintas na binigay ni Crescent kay Silas bago ito umalis 'nong mga time na walang makita si Silas. "Pag mamay-ari pa din ito ng mommy natin. Bakit ko itatapon?" "Wala na tayong mommy Percimon. Sina papa Worth lang ang family natin." Tinikom ni Percimon ang bibig at binitawan ang kwintas. Maya-maya yumuko si Percimon at humilig sa mga tuhod. "Nararamdaman ko kasi na hindi naman masamang tao si mommy Crescent. Siguro may kasalanan din tayo kasi hindi natin siya binigyan ng chance." "Ano bang sinasabi mo Percimon? Kinidnap