Chapter 18 3rd Person's POV Iniyukom ni Garan ang kamao matapos marinig na si Trina ang sinama nito. Pagkatapos nito dalhan siya ng lunch umalis na lang ito matapos sabihin na kakausapin si Percimon. "Garan," hyper na tawag ni Percimon. Alanganin itong natawa ng masama siyang tiningnan ni Garan na agad din kumalma matapos makita ang mukha niya. Napaatras pa ang ilang tauhan matapos maramdaman ang presensya ng binata ang ilan naman ay naalarma. "It's okay, kaibigan namin 'yan. Hindi lang maganda ang mood," ani ni Terrance sa mga bagong dating na tauhan. "Anong ginagawa mo sa labas? Hinahanap mo si Black?" "Why would I?" "Gusto ko lang maglakad-lakad," bored na sagot ni Garan. Agad siya inakbayan ni Percimon. "Tamang-tama nabo-bored din ako samahan kita. Maganda ang paglalaka