Chapter 38 3rd Person's POV Tahimik lang si Percival na umiinom ng beer mag-isa sa veranda ng mansyon. Nakapako ang tingin nito sa ibaba ng veranda kung saan nakatayo si Garan habang kausap si Worth at Silas. "Kanina pa kita hinahanap. Ayos ka lang ba?" tanong ni Percimon habang nakaupo sa wheel chair at hininto iyon sa hindi kalayuan sa pwesto ng kakambal. "Kahit anong isipin ko. Kasalanan ko lahat ng nangyari Percimon." "Walang may gusto na mangyari ito," ani ni Percimon. "Alam mo ba masama ang loob ko mga magulang natin lalo na kay daddy Sibal," ani ni Percival habang hawak ang bote ng beer at nasa bulsa ang isang kamay. "Iniisip ko minsan mas mahalaga kay daddy ang pagiging si Black kaysa maging ama natin. Magulo ang pamilya natin at habang lumalaki tayo, nararamdaman ko a