Chapter 35 3rd Person's POV Ang daming kwento ng mga lalaking kasama ni Garan kaya habang naglalakad siya. Hindi ito na-boring. Sinabi din nito ang mga rules sa loob ng subdivision nila at doon nalaman ni Garan na ang ama ng mga kabataan na kasama niya ay mga former member ng organization ng pamilya ni Worth. Libre din sila pinatira doon ng pamilya ng mga Griffin at pinagkatiwala sa kanila ang lugar. Malaki ang respeto ng ama nila at mga kabataan doon sa pamilya ng mga Griffin, habang buhay na utang na loob daw iyon para sa mga pamilya na nandoon. "Pero this past few months may mga pumapasok na taga-labas dito. Dinadala sila sa main street at sinarado ang lugar na iyon." "Main street?" ulit ni Garan. "Yes, kaya nga sabi namin kanina sa iyo. Hindi ka namin pwede basta dalhin sa o