Chapter 27 3rd Person's POV Nabitawan ni Kismet ang mga dalang pagkain matapos makita ang mga nagkalat na bulaklak sa shop. "Silas!" Napatakbo papasok ng shop si Kismet at tinungo ang opisina kung nasaan si Silas. Halos manlamig ang buong katawan ni Kismet matapos makita na magulo din duon. "Silas," ani ni Kismet bago binuksan ang isa pang pintuan. Hindi nakagalaw si Kismet matapos makita ang nagkalat na dugo sa sahig at kama. Napaluhod si Kismet hanggang sa makita niya ang phone ni Silas na tumutunog. Nanghihinang kinauha iyon ni Kismet at sinagot. "Silas! Ang mga bata! Nawawala Silas!" "Sibal, nawawala din dito si Silas. Ang daming dugo." Basag na sambit ni Kismet na kinatigil ni Sibal sa kabilang linya. "Pull back your f*****g senses, Kismet. Buhay si Silas. Hindi pap