Chapter 10 3rd Person's POV Tinapos ni Chronus Giovilli ang party. Pinaasikaso sa mga tauhan ang gulong nangyari at ginamit ang halos lahat sa asset niya para hindi iyon makarating sa media. "Pwede ba kita makausap?" Napatingin si Charm Giovilli kay Wise. Tumayo ang babae at tumango. Sinundan ng babae si Wise hanggang sa makarating sila sa kabilang bahago ng venue. "Ikaw ang kinausap ko dahil alam ko na pareho lang tayo na iniisip ang kapakanan ng dalawang bata. Nevermind na lang sa dalawang tao na ngayon ay mukhang hindi na talaga nagkasundo dahil sa nangyari," ani ni Wise na ang tinutukoy ay si Sebastian at Chronus na kasalukuyang masama ang tingin sa isa't isa. "Parehong may pinagdadaanan ang mga anak natin alam ko. Si Crescent 'nong una ko siyang makita alam ko na may iba sa