Chapter 38 3rd Person's POV Huminto ang sasakyan nina Worth at Silas sa harap ng isang bar. Maingay, magulo at madaming tao. Agad na may humarang sa kanila matapos tangkain na dalawa pumasok. "Invitation?" "I'm Worth Griffin, asawa ako ng isa sa mga nasa loob ng bar na ito." Lumapit ang isa sa mga guard na nandoon at bumulong sa lalaki na humarang sa kanila. "Pumasok na kayo," ani ng gwardya bago pinagbuksan ng pinto ang dalawa. Pokerface na pumasok si Silas at hindi pinansin ang mga babaeng tinatangka lumapit sa kanila. "Hindi ko sila makita!" sigaw ni Worth kay Silas. Masyado malakas ang tugtog kaya hindi sila magkakarinigan kung sakali. Huminto ang dalawa sa pinakagitna ng dance floor at nilibot ang paningin sa paligid. May mga babae naman na agad lumingkis kina Worth