Chapter 08 3rd Person's POV Matapos kausapin ni Silas ang mga anak. Lumabas na ang lalaki. Pagkasara ng pinto nanatiling nasa labas si Silas at nakayuko. Naiyukom nito ang kamao bago tinungo ang kwarto at pumasok duon. "Mission failed," bulong ni Percimon. "Kailangan natin makaisip ng bagong plano." "Bukas na ang party anong gagawin natin?" bulong ni Percimon. "Hindi tayo pwede sumuko agad Percimon. Pinagkatiwalaan tayo ni Sibal sa mission na ito." "We're still a kid." Tumahimik si Percival. Hanggang sa may naisip ito at bumangon. "Meron na akong naisip." Bahagyang napatakip sa bibig si Percimon nang makita na ngumisi ang kakambal. "Uh oh, Cival, I see your horns and tail again." "What? Wala pa naman akong sinasabi." Ngumuso si Percimon nang makita na inosente siyang