Chapter 12 3rd Person's POV "Auntie," ani ni Percival matapos kumatok at binuksan ang pintuan. Nagtaka si Soren Griffin Giovilli matapos makita ang pamangkin na bagsak ang balikat na lumapit sa kanya. "What happen?" tanong ni Soren na sinara ang hawak na libro matapos makita ang pamangkin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Auntie." Umupo si Percival sa pang-isahang sofa na nasa loob ng kwarto. Napangiwi si Soren matapos makita ang pandidilim ng mukha ni Percival habang sapo ang noo. "Nag-away ba kayo ni Percimon?" tanong ni Soren. Umiling si Percival kaya napatayo si Soren at agad na tinungo ang direksyon kung saan umupo ang pamangkin. "About kay Garan? Anong nangyari?" Kumikinang ang mata na tanong ni Soren habang nakaupo sa tabi ni Percival. "Sinunod ko lahat ng advice