Chapter 01 3rd Person's POV 'Silas, Wala ka bang lunch ngayon? Sayo na lang ito.' 'Silas, nag-bake si mommy ng cookies.' "Ahm, salamat?" Alanganin na kinuha ng batang si Silas ang mga inabot sa kanya na pagkain at chocolate. — "Very good, Silas." 'Ang galing niya talaga.' 'Sabi ko kay mommy kapag big girl na ako gusto ko si Silas ang papakasalan ko.' 'Ako magpapakasal kay Silas hindi ikaw.' Si Silas Griffin ang masasabi mo ng almost perfect. Bukod sa gwapo at matalino. Mabait din ito at masyadong matured mag-isip. Sobrang flawless ang pagkatao nito kaya lahat gustong-gusto siya. Malayo sa pagkatao ng bestfriend nitong si Crescent Giovilli. "Silas," sweet na sambit ni Crescent matapos bumalik ng classroom. Nang makita ng mga kaklase ang batang babae. Nagkanya-kanyang a