Chapter 32 3rd Person's POV "Anong nangyari?" tanong ni Percival sa kakambal matapos pumasok sa kwarto. "Tama ang hinala mo Percival. Lahat ng nandito mga pinagkakatiwalaan ni mommy." "Habang pinakakain mo si Garan sa sahig at pinahihirapan siya harapan. Mas natutuwa pa sila." Nag-cross arm si Percival at bahagyang tumingin sa labas ng bintana. "Nasabi na din ni Garan na mga halang ang kaluluwa ng mga taong nandito." "Plan B tayo." "Agad?" Nilingon ni Percival si Percimon at inayos ang upo. "Wala na tayong oras Percimon." Maya-maya nakarinig sila ng yabag sa labas. Nabigla si Percival nang mabilis na kumilos si Garan at dumapa sa sahig matapos hilahin si Percival at pinaupo sa likuran niya. Biglang tumawa si Percimon kaya inayos ni Percival ang expression niya. Bumukas