Chapter 40 3rd Person's POV; "Sibal, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Noah matapos makita ang dalawa sa labas ng agency. "Nasaan si Callisto?" tanong ni Sibal. Kumunot ang noo ng binata. Maya-maya lumabas na si Callisto na hawak ang coat at phone. "Dude may conference kami na pupuntahan ngayon." "Sa susunod na lang tayo mag-hang out," ani ni Callisto matapos tapikin ang balikat ng kaibigan. Sumalubong ang kilay ni Sibal matapos makarinig ng ugong ng motor. Sa bilis ng pangyayari hindi na alam ni Ceiron ang nangyari. Kusa na lang kumilos ang katawan niya para itulak ang tatlo at napahiga sila sa semento. Pagkatapos ng sunod-sunod na putok tinawag ni Ceiron si Sibal. "Sibal!" sigaw ni Callisto matapos makita na nakahiga na si Sibal sa semento at may tama sa likod. "Tumawag ka