Chapter 41 3rd person's POV; "Kakausapin ko ulit si Wise," ani ni Kreos at alis ito ng pigilan siya ni Mikael. "Useless kung kakausapin mo pa siya," ani Mikael. "Anong ibig mong sabihin? Hahayaan natin si Wise? " "Unang-una wala pa tayong magagawa. Hindi natin pwede galawin si Quino dahil isa pa din siyang Griffin. Pangalawa, mahalagang tao din si Kirby kay Wise." "Kung tayo walang magawa si Wise pa," ani ni Kreos na kinahilot ni Mikael sa sintido. "Hindi mo pa kilala si Wise, Kreos. " "Matulungin si Wise, mabait, responsable, madaling magpatawad, madaling umunuwa at siya yung tipo na ang daling basagin kung titingnan." "Wala siyang pakialam kung saktan siya ng ibang tao. Magagawa ka pa din niyang patawarin kahit saksakin mo pa siya mula sa likod. Ganung tao si Wise. " "Pero tao