Chapter 14 3rd Person's POV "Goodmorning papa, daddy at Soren." "Ohmy! Ang gwapo mo kuya Worth! Hindi kana nagsusuot ng jacket! Ngayon ko lang napansin nagpagupit kana din!" "Ako din ngayon ko lang napansin. Mukhang alagang-alaga ka ni Sibal," nakangiti na sambit ni Wise. Ngumiti lang din si Worth at humila ng upuan. "Huwag lang kuya pagiging engot ni kuya Sibal. Naku!" Natawa si Worth matapos maglagay ng pagkain sa plato. "Anyway, kamusta pala vacation niyo?" "Ayos lang papa. Mas mukha ngayon therapy ko ginawa namin duon kaysa vacation." "Therapy?" "Yes papa," may ngiti na sambit ni Worth. "Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na ginagawa ni Sibal lahat para maka-recover ako at mukhang fully recovered na din talaga ako kasi nagagawa ko ng makipag-hang out sa ibang tao