Chapter 27 3rd Person's POV Lumipas ang dalawang buwan. Iniyukom ni Percimon ang kamao matapos makita ang mga litratong dinala sa kanya ni Tobian. Litrato iyon ng mga tauhan nila na natagpuan sa basement ng isa sa mga laboratory at facilities na pagmamay-ari ng mga Cervantes. Tumayo ang lalaki at kinuha ang coat niya. "Saan ka pupunta Griffin?" tanong ni Niccolo matapos makita na palabas ito ng opisina. "May kukumpirmahin lang ako." Binuksan ni Percimon ang pinto at lumabas ng opisina. Hawak nito ng mahigpit ang mga litrato habang tinutungo ang daan palabas ng organization. Sunod-sunod ang mura ni Percimon sa idea na kailangan niya na kaagad gumawa ng plano. Hindi na lang siya pwede umupo na lang doon at manahimik sa mga nangyayari. — "GN," ani ni Percimon matapos buksan a