Chapter 50 3rd Person's POV; "Anong ginagawa ng phone dito? " nagtataka na tanong ni Wise matapos makitang nilabas ni Kreos ang basag na phone niya kasama ang ilang folder at litrato. Magtatanong pa ulit si Wise ng tumunog ang doorbell ng unit niya. "Baka si Mikael na 'yan at Nigel," ani ni Kreos. "Anong ginagawa ni Mikael dito? " tanong ni Sebastian matapos tumayo ni Wise para buksan ang pinto. "May hindi sinasabi si Mikael," sagot ni Kreos na kinakunot noo ni Sebastian. "Kreos bakit bigla kang napatawag? " tanong ni Mikael ng makapasok sila sa unit at makarating sa living room. "Mikael may hindi ka sinasabi kina Sebastian at Wise diba?" ani ni Kreos na kinatigil ni Mikael matapos makita ang mga litrato na huling binaba ni Kreos. "A-Anong--- Mikael anong ibig sabihin ng mga litr