Chapter 23 3rd Person's POV; Pagkalabas nila sa sinehan natutuwa na niyakap ni Wise ang braso ng kasintahan. "Next time manood ulit tayo ha? " "Sige," sagot ni Sebastian habang pinagmamasdan ang mukha ni Wise. "Teka nanood ka ba kanina Sebastian? " "Hindi." "Ha? Anong ginawa mo?" "Pinanood ka, " sagot ni Sebastian na kinapula ni Wise. "T-Tara na nga bibili pa tayo ng cotton candy, " nahihiya na sambit ni Wise na kinangiti ni Sebastian bago iinterwined ang kamay nila habang naglalakad. "May pasok ngayon ang daming estudyante na gumagala, " ani ni Wise habang nakaupo sila ni Sebastian sa bench. "Parang tayo lang," sagot ni Sebastian na kinakamot ni Wise sa pisngi bago kinagatan ang popsicle na hawak. Hanggang sa makita niya ang isang estudyante na nasa kabilang bench at kinukuha