Chapter 14 3rd Person's POV; Napabuga ng hangin si Wise matapos buksan ang kwarto ng anak at makita na wala duon si Silas. Hinatid kasi nina Dash at Hammer ang anak na lasing. Nagwala na naman daw ito sa bar kaya napagpasyahan nila na iuwi ito. "Papa Wise. Umalis na naman ba si kuya? " tanong ni Soren. Napalingon si Wise sa anak na babae na ngayon ay nag aalalang nakatingin sa kanya. "Babalik din ang kuya mo. Anyway kumain kana ba? " tanong ng lalaki sa anak. Habang naglalakad sila pababa napatigil si Wise ng hawakan siya ni Soren sa kamay. "Soren may problema ba?" "Papa, nag-aalala ako kay kuya Silas." "Anak anong problema? " tanong ni Wise bago harapin ang anak na nakayuko. "Nakita ko si kuya. Lagi siyang may kausap na lalaki. Malaki ang pagkakahawig niya kay kuya, " ani ni S