NANG malaman ni Edzel na bumalik na ang totoo niyang Mommy, napansin ni Honey na laging na itong tahimik at hindi ito humihiwalay sa kaniya maliban na lang kung papasok ito sa school. Honey could feel the Edzel's fear kaya naman palagi niyang sinasabi sa bata na hindi niya ito iiwan at hindi siya aalis. She was in lunch meeting with one of the investor of De Fazzio's Company. Siya ang inutusan ng CEO na makipag-usap para sa bagong business deal. Hindi niya alam kung bakit ang laki ng tiwala sa kaniya ng ama ni Tyrone. Hindi nga niya alam kung magiging maayos ba ang business deal. Naka-cross finger si Honey habang hinihintay ang desisyon ng mag-asawa na ka-lunch meeting niya. Tahimik siya habang kumakain. "Hayy, hindi ba talaga ang anak ni Mr. De Fazzio ang papalit sa kaniya?" Tanong sa