NAIWANG mag-isa si Honey sa condo. Pumasok si Tyrone sa trabaho. Pumasok naman si Edzel sa school, isinabay ito ni Tyrone kanina. Wala naman siyang pasok sa De Fazzio's Company ngayon. Napabuntong-hininga si Honey habang nag-iisip ng gagawin para hindi siya mainip. Saka lang niya naalala na kailangan niya pa lang mag-grocery dahil ubos na ang laman ng ref at ng iba pang kailangan nila. Pumasok siya sa kwarto at nagbihis. Napatingin siya sa susi ng kotse ni Tyrone na nasa mesa. Too bad, hindi siya marunong magmaneho. Kinuha niya ang bag at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas niya ng condo, ini-lock niya ang pinto saka naglakad patungo sa elevator. Hindi na siya nagtaka nang may sumabay sa kaniyang isang babae sa elevator. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang maliit na logo na nakalag