NAGMULAT ng mata si Honey at sa pagmulat ng mata niya, nakita niya ang sarili na nasa loob ng sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ina. May hawak siyang bulaklak at kandila. Bumuntong-hininga si Honey saka naglakad palapit sa puntod ng kaniyang ina. Inilapag niya ang bulaklak sa puntod nito saka sinindihan ang kandila. Lunuhod siya ay itinirik ang kandila. Narinig niyang may yabag na papalapit sa kaniya. Hindi alam ni Honey kung bakit siya biglang kinabahan. Dahan-dahan siyang humarap, nanlaki ang mata niya nang makita ang kaniyang ama na nakangisi. "Daddy..." Napabalikwas ng bangon si Honey. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Medyo hindi na siya dinadalaw ng bangungot nitong mga nakaraang gabi pero hindi niya alam at bigla na naman siyang nanaginip ng ganun. N