NANG sumara ang pinto ng simbahan, sinabihan ng wedding organizer si Honey na pwede na siyang bumaba ng bridal car. Inaalalayan naman siya ng ina ni Tyrone. Naglakad sila patungo sa harapan ng nakasarang pinto ng simbahan. "Honey, papasok na ako sa loob." Tumango si Honey. "Opo." Pumasok ang ina ni Tyrone sa pinto ng simbahan na nasa gilid. Nakita naman doon ni Honey na lumabas si Director David at naglakad ito patungo sa kaniya. Natigilan naman si Director David pagkakita kay Honey. They really look a like. Aniya sa kaniyang isipan. Parang nakita niya si Herlene nang ikakasal ito kay Arnold. Napabuntong-hininga siya at pilit na iwinawaksi sa kaniyang isipan ang alaala niya ng nakaraan. Past is past. Hindi ko na dapat pang isipin ang tungkol kay Herlene. Wala na rin naman siya. Hind