NAHILOT ni Tyrone ang sentido habang nakatingin sa mga kaibigan na nasa harapan niya. Napailing siya at napabuga na lang ng hangin. Sinabing hindi niya ito kailangan pero mapilit ang mga kaibigan niya. Tumayo siya. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Lex sa kaniya. Hinarap ni Tyrone ang kaibigan. "Uuwi na." Lex tsked. "Hindi mo rin lang madadatnan si Honey sa mansyon niyo." "Saka, Kuya, stag party mo ngayon. Come on. Let's celebrate you last night being a single. Ikakasal ka na bukas." Sabi ni Asher. Yes, bukas na ang kasal nila ni Honey. At ang mga loko, naghanda pa talaga ang mga ito ng stag party para sa kaniya. At sa condo pa ni Lex ginanap. Sila lang naman na lima ang narito. Him, Lex, Asher, Daniel and Aid. And speaking of Daniel na nawala noong nakaraang linggo. Sana hindi na lang n