HONEY was busy preparing breakfast when someone who has unfamaliar face entered. Kumunot ang nuo niya habang nakatingin sa lalaki. Medyo kahawig ito ng ama ni Tyrone. Sa tingin niya ay nasa mid 40s na ito. Napatingin naman sa kaniya ang lalaki. "Sino ka?" Tanong nito sa kaniya. Nagtaka si Honey. "Hindi po ba dapat ako ang magtanong niyan sa inyo. Sino kayo?" Kumunot ang nuo ng lalaki. "Are you a new maid here?" Natawa si Honey saka napailing. "Bisita po ba kayo?" Tanong na lang niya. Hindi naman niya ito nakita kahapon noong dumating siya. At isa pa wala namang nabanggit sa kaniya ang ina ni Tyrone. Tumingin naman si Honey sa mga kasambahay nila. Abala ang mga ito kaya pinili na lang niyang huwag ang mga itong istorbohin. "Hon." Napatingin si Honey kay Tyrone na kapapasok lang ng di