NAKAKUYOM ang kamao ni Arnold habang nasa loob siya ng kaniyang selda. He lose from David. Kahit pa pinatay niya si Herlene. Ito pa rin ang nanalo sa huli. Nakilala pa rin nito si Honey, ang anak ni David at Herlene. Ang akala niya kapag napatay niya si Herlene, masisira na ang buhay ni David pero nagkamali siya. Kilala niya si David, mahal na mahal nito si Herlene. Nagtagumpay nga siya na makuha si Herlene mula kay David pero hindi siya nagtagumpay na makuha ang puso nito. He sighed. Buhay pa siya at pagsisisihan ni Tyrone na hindi pa siya nito pinatay. Kung hindi naging miserable ang buhay ni David dahil kay Herlene. Kung ganun ang anak ni David ang gagawin niyang miserable ang buhay. Hindi pa siya tapos sa pagpapahirap niya kay David, kaya sa anak na lang nito na ibaling niya ang gal