"SIR, you have a visitor, can I let him in?" dinig niyang tanong ng secretary. "Okay, Miss Adam. Let him in." Hindi man lamg niya pinagkaabalahang inalam kung sino ang panauhin sa oras na iyon. Kaya naman ay nagulat siya nang nagsalita ang bagong dating. "Kumusta ka na, Erick Montefalcon? Ah, hindi ba't mas magandang tawagin kitang Bernard Frederick Castro? Well, it's up to you, Brother, how will I call you," saad ng bagong dating. "K-kuya Terrence Niel. Ikaw pala ang dumating. Halika, pasok ka at maupo." 'Pesteng buhay! Kung inalam ko sana kung sino ang dumating, disin sana'y hindi ako natataranta at mauutal!' Pangangastigo niya sa sarili. "Huwag kang mataranta, brother. Hindi naman ako VIP. By the way, thank you for welcoming me. Pero teka lang, brother, bakit mukhang nangangayayat