"NO! Huwag mo akong iwan, love ko." "Kailangan ko itong gawin, love ko. Dahil hindi rin magiging maayos ang pagsasama natin kung may nakaharang." "P-paano kung may mangyaring masama sa iyo, love ko? Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka sa akin." Yayakapin na sana ni Abigail ang kasintahan. Subalit niya nagawa ang bagay na iyon. Dahil ang babaeng basta na lamang sumulpot ay hinablot siya at pabalyang binitiwan. "Love ko!" "Hayop ka, Ronalyn! Hinding-hindi kita mapapatawad! Papatayin kita, hay*p ka!" Kulang ang galit na galit upang ilarawan ng mga sandaling iyon ang binata. Pilit siyang kumawala sa pagkahawak ng mga lintik. Nais niyang saklolohan ang babaeng pinakamamahal lalo at kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito. "Let me go! Damn you, people! Pakawal