"MAGALING! Magaling ang lahat! May magandang naidulot din pala ang pagsunod ko sa inyo," saad ng bigla na lamang lumitaw. "Ronalyn!" "Who are you?!" Mga ilan lamang sa salitang nanulas sa labi ng mga nandoon. Subalit hindi inalintana ng bagong dating na walang iba kundi ang dalagang habol nang habol sa binata. "Love ko, sino siya?" napatingalang tanong ni Abigail Eunice sa kasintahan. "Siya iyong naikuwento ko sa iyo---" Siya iyong nasabi ko sa iyo na habol nang habol sa akin. Nais pa sanang idugtong ni Bernard Frederick. Subalit hindi na niya nagawa dahil sa walang-hiyang babae. "Ako? Sino ako? Ako lang naman ang maaring pakasalan ng lalaking nasa tabi mo. Bakit? Dahil siya ang ama ng nasa sinapupunan ko." "At ikaw namang lalaki ka, mas gusto mo pa yata ang mapahiya kaysa ang kusan