"Pain's more trouble than love is worth." - Demi Lovato, Heart Attack. Those Ocean Eyes. *** Ivy Vargaz. "Oh! Hi again, Supercar Blondie!" Masayang nakipag-apir si SPO3 Rosales sa kakapasok pa lang na si Arabella sa office namin. Kapansin-pansin ang kinang sa kumikintab nitong asul na mata. Napangiti ako when she looked at me. She looks happy.. "Akala namin hindi ka na magpapakita muli eh," saad naman ni PO1 Roman, isa sa mga nangunguna sa pagkain kapag may dinadala rito si Arabella. Mas lalo nang lumaki tuloy ang tiyan n'ya sa katawan my goodness. "Oo nga, akala nga namin pinagpalit mo na ang darling of the crowd naming kasamahan eh. 'Di ba, SPO3 Rosales?" prenteng saad ni PO2 Hernandez kay mahangin na SPO3 habang ang paa ay nasa itaas ng table n'ya. Wow ha? Feel