"Lost control of myself, I'm compromised You're incriminating, no disguise." - Justine Bieber, Yummy. Ice Cream (Part 1) *** Ivy Vargaz. Hinatid ako ni Shiela sa cabin ko matapos n'ya akong i-tour sa isla. Pero ang sabi n'ya, meron pa rin daw siyang hindi naituturo sa akin dahil mismong si Arabella raw ang mag-to-tour sa akin para duon; something about b**m sections? Yeah, 'yon nga. Kaya heto ako ngayon sa labas ng cabin ko at pinagmamasdan ang kumikinang na tubig ng dagat. Medyo mainit na sa labas dahil alas diyes na rin ng umaga at ilang oras nang no show ang pesteng 'yon. Speaking of peste, malayo pa lang ang golf cart n'ya, kitang-kita ko na ang pagka-blonde ng buhok nito. Nakasuot siya ng itim na cateye sunglasses at nakapusod ang mahaba nitong buhok into a l