"Nothing can keep us apart 'Cause you are the one I was meant to find." - Zac Efron & Zendaya, Rewrite the Stars. You're not Alone. *** Ivy Vargaz. 3 MONTHS LATER. Lunch break ko na pero heto pa rin ako sa loob ng aking opisina at dito na kumakain ng lunch ko habang may nakasulpak na headset sa magkabilang tenga ko. Pinapakinggan ko kasi ang boses ng aking sinta. Napangiti akong sumulyap sa isang picture frame sa table ko, hinimas ko ang picture namin ng buong pamilya Martinelli na kinunan sa Italy 3 months ago. "I missed you baby.." mahinang sambit ko habang hinihimas ang mukha ni Arabella dito. She's all smile in here habang naka-akap ito sa likuran ko. Sumubo muli ako ng kinakain kong salad. "Baka sumagot na sa 'yo 'yang picture, ha?" Halos mabulunan naman ak